TUGUEGARAO CITY-Hindi parin umano matukoy ng Marines Battalion Landing Team 10 kung may mga kandidato sa bayan ng Baggao na sinusuportahan ang New Peoples Army (NPA).

Pahayag ito ni Lt Col. Fidel Macatangay, commanding officer ng MBLT-10 kasunod nang pagdukot at pagpatay sa isang supporter ng mayoralty candidate sa bayan ng Baggao, nitong nakalipas na araw.

Ayon kay Macatangay, hindi parin mabatid ng kanilang hanay kung mayroong mga kandidato na may nagbayad naman ng kanilang “permit to campaign-permit to win”.

Maalalang, sinubukang humingi ng P210,000 ang mga armadong grupo sa tumatakbong alkalde sa nasabing bayan ngunit hindi ito nagbigay.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, itinuturing na umano ng kapulisan na “election related incident” ang nangyaring krimen sa bayan ng Baggao.

Dahil dito, sinabi ni Police Col. Ignacio Cumigad JR., Provincial Director ng Cagayan-PNP, kasali na ang Baggao sakanilang areas of concern.

Nabanggit rin ni Cumigad na isang nagngangalang “Ka Roni” ang nanguna sa mga nasabing aramadong grupo na kumidnap at pumatay kay Alonzo.