Nagbigay ng babala ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ng Baggao, Cagayan sa mga residente na malapit sa bumigay na flood control sa Zone 1 at 2 sa Barangay Barsat East kahapon.
Sinabi ni Narciso Corpuz, head ng MDRRMO na nasa 50 meters ang haba at 20 meters ang lalim ng bumigay na flood control.
Ayon kay Corpuz, una nang nagkaroon ng bitak ang nasabing flood control noong pananalasa ng bagyong Egay na pinalala ng pananalasa ng bagyong Goring at tatlong oras na malakas at walang tigil na ulan kahapon.
Dahil dito, sinabi niya na naglagay ng signage at barikada ang mga barangay officials para sa kaligtasan ng mga motorista.
Ayon sa kanya, kalahati na lamang ng national highway ang pwedeng daanan ng mga motorista sa nasabing lugar.
Dahil sa pangyayaring ito, posibleng magdulot ng pagkawala ng suplay ng kuryente dahil sa mga poste ng kuryente na nakatirik sa lugar.
vc corpuz sept 7