TUGUEGARAO CITY-Sinimulan na ng sanguniang Kabataan (SK)officials ng Barangay Annafunan East, Tuguegarao ang pamamahagi ng libreng ulam sa ilalim ng kanilang programang “Meals on Wheels”.
Ayon kay SK Chairman Gerald Valdez ng Brgy. Annafunan East, unang nabigyan ng libreng ulam na gulay at karne ang mga residente ng Zone 1 at 2 kung saan umaabot sa 100 na residente ang nabigyan.
Layon ng nasabing programa na tulungan ang mga residente na apektado ng implemanetasyon ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ)
Aniya, galing sa SK fund ang ginagamit sa naturang programa kung saan mayroon itong pondo na P10,000.
Katuwang ng grupo sa pamamahagi ng ulam ang mga miembro ng kapulisan at mga kabataan na volunteers na mula rin sa nasabing barangay.
Muli namang magpapatuloy ang kanilang programa bukas, Mayo 21,2021 kung saan target nilang bigyan ang iba pang zone sa nasabing barangay.