TUGUEGARAO CITY-Sisimulan na umano ng Department of Health ang pagtanggal sa tigdas outbreak sa ilang lugar sa bansa sa susunod na dalawang buwan.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ito’y dahil bumaba na ang kaso ng tigdas sa bansa.

Sinabi ni Duque na sa ngayon ay nagsasagawa na sila ng routine immunization o ang scheduling ng pagbabakuna .

Ayon sa kanya,umaabot na sa 85 to 90 percent ang nababakunahang bata na may edad 59 months hanggang anim na taong gulang sa buong bansa

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Duque na patuloy ang gagawing monitoring ng ahensiya sa mga lugar na malaki ang bilang ng tigdas sa bansa.

ang tinig ni Duque