TUGUEGARAO CITY- Isinailalim sa livelihood training ng Department of Agriculture (DA)Cordillera ang mga meat handlers sa Tabuk City,Kalinga.

Sa pakikipagtulungan ng City Veterinary Office, isinailalim sa training ang 27 meat handler at meat processing entrepreneur, kasabay ng paglunsad ng farmers livestock school program.

Ayon kay City Veterinary Office Assistant Director Dr. Carmen Wanas, tinuruan ang mga ito ng meat processing tulad ng paggawa ng longganisa,embotido,tocino at patis at tamang meat handling and sanitation.

Samantala,nagsagawa rin ng imbestigasyon ang DA at City Veterinary Office sa naitalang kaso ng rabies sa unang kwarto ng 2019

-- ADVERTISEMENT --

Napag-alaman na mayroong anim na kaso ng rabies ang naitala sa nasabing lungsod sa nasabing panahon.