TUGUEGARAO CITY- Inirekomenda ni Mayor Jefferson Soriano ng Tuguegarao City na isailalim sa modified enhanced community quarantine mula sa modified general community quarantine ang lungsod sa loob ng 10 araw.
Sinabi ni Soriano na, tinatapos na lamang nila ang kanilang rekomendasyon na ipapadala kay Governor Manuel Mamba para sa kanyang pag-apruba.
Dahil dito, sinabi ni Soriano na walang public transport, bawal ang dine-in, at social gathering at ipatutupad ang liqour ban at extended ang curfew mula 9:00 pm hanggang 4:00 am.
Sa ngayon kasi ay may 18 covid-19 positive cases sa Tuguegarao at ang karamihan sa mga ito ay local transmission.
Isang barangay ang naka-lockdown at dalawa ang nasa zonal containment strategy.
Sinabi pa ni Soriano na posibleng mas marami pang barangay ang isasailalim sa lockdown o zoning containment.