Inaprubahan ng Regional Inter-Agency Task Force (RIATF) ang pananatili ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) status sa Tuguegarao City, hanggang Setyembre 30.

Una nang isinailalim sa 10-araw na MECQ ang lungsod nitong Setyembre 13 na magtatapos sana kahapon, ngunit muli itong pinalawig ng walong araw dahil sa mataas pa rin na aktibong kaso ng COVID-19.

Base sa pinakahuling datos ng City Health Office, bahagyang bumaba sa 968 ang aktibong kaso sa lungsod subalit mataas pa rin ang naitatalang bilang ng panibagong kaso na nasa 42 habang 65 naman ang bagong gumaling sa sakit habang 4 ang panibagong nasawi.

Ipapatupad pa rin ang mga umiiral na alituntunin sa ilalim ng MECQ.

Pinag-aaralan na rin ng pamahalaang lokal na magdagdag ng restrictions dahil sa mga naitalang paglabag ng mga establisyimentong pinayagang magbukas gaya ng hindi pagsusuot ng facemask.

-- ADVERTISEMENT --