Ginawaran ni PRO-2 Regional Director Police Brigider Gen. Jose Mario Espino ng medalya at financial assistance ang isang pulis na aksidenteng tinamaan ng bala ng sarili niyang baril sa buy bust operation sa bayan ng Gonzaga.
Personal na ibinigay ni Espino kay Corporal Mcnair Villarao ang “Medalya ng Sugatang Magiting” at tulong pinansyal para sa kanyang pagpapagamot.
Nanatiling nasa pagamutan sa bayan ng Camalaniugan si Villarao dahil sa sugat na natamo nito sa kanyang tagiliran.
Si Villarao ang nagsilbing poseur buyer sa buy-bust laban sa suspek na si Rodolfo Solsoloy.
Gayunman, bago pa man maaresto ang suspek ay nakahalata siya na pulis ang katransaksyon, kaya’t nakipag-agawan umano ng baril kung saan natamaan nito ang pulis.
-- ADVERTISEMENT --