Nananawagan ang mga duktor at health advocates sa mga magulang at pamahalaan na isalba ang mga kabataan sa panganib ng electronic cigarettes sa gitna ng pagdami ng mga menor de edad na gumagamit ng vaping products.
Kasabay ng pakikibahagi ng bansa sa paggunita sa the World No Tobacco Day ngayong araw na ito, nagbabala ang Department of Health (DOH) and medical community na hindi lamang nagdudulot ng lung injury sa isang malusog na tao kundi maging atake sa puso.
Sa isang kaso na documented ng mga duktor sa Philippine General Hospital (PGH) sa Manila at inilathala sa Respirology Case Reports journal ng Asian Pacific Society of Respirology nitong buwan ng Abril, isang lalaki na 22 anyos na walang naunang walang problema sa kanyang kalusugan ay nakaranas ng fatal heart attack, kasunod ng malala na lung injury na posibleng dahil sa araw-araw na paggamit niya ng vape.
Ayon sa mga researchers, walang kasaysayan na siya ay nanigarilyo at hindi rin siya umiinom ng alak o hindi gumagamit ng anomang iligal na droga.
Hindi rin umano siya nagkaroon ng COVIC-19.
Subalit, inamin ng nasabing lalaki na siya ay araw-araw na gumagamit ng vape sa loob ng dalawang taon.
Siya ay dinala sa emergency room ng isang ospital noong 2023 dahil sa pananakit ng kanyang dibdib, hirap sa paghinga, at nakaranas ng atake sa puso dahil sa bara sa dalawa niyang major arteries.
Nakaranas siya ng serious lung condition na tinatawag na e-cigarette o vaping-use associated lung injury (Evali).
Nagsagawa ng emergency operation ang mga duktor upang buksan ang nabarhan na ugat sa kanyang puso, subalit lumala pa ang kanyang kundisyon.
Dahil dito, nagkaroon siya ng respiratory failure na nangailangan ng ventilation, subalit tatlong araw matapos ang kanyang hospital admission, siya ay pumanaw.
May naitala ang mga duktor na na 19 Evali cases buhat noong 2019.