TUGUEGARAO CITY- Abalang-abala ngayon ang medical teams sa pag-aasikaso sa mga nagkakasakit na mga evacuees sa Batangas.
Sinabi ni Dr. Glen Mathew Baggao, medical center chief ng Cagayan Valley Medical Center na kasama sa team at kasalukuyang nasa bayan ng Padre Garcia.
Ayon sa kanya, maraming pasyente ngayon ang kanilang inaasikaso.
Idinagdag pa ni Baggao na lumilipat din ang medical teams sa iba pang evacuation centers.
Sinabi niya na halos lahat ng mga rehiyon sa bansa ay nagpadala ng kanilang medical team para tiyakin ang maayos na kalusugan ng mga evacuees.
Kaugnay nito, sinabi ni Baggao na hindi maapektuhan ang operasyon ng CVMC sa kanilang pagpapadala ng medical team sa Batangas.
Sinabi ni Baggao na ang kanilang pagtulong sa mga naapektuhan ng Taal eruption ay bahagi ng kanilang social responsibility.