Labis na dinamdam ng isang 16-anyos na lalaki ang pakikipaghiwalay sa kanya ng kanyang kasintahan na dahilan ng kanyang pagpapakamatay sa bayan ng Aparri.

Dakong alas 6:00 ng umaga nitong Huwebes, August 15 nang nadiskubre ng kanyang lolo ang nakabiting katawan ng hindi pinangalanang menor-de-edad na biktima gamit ang nakataling kumot sa loob ng tinitirhang bahay sa Barangay Caagaman.

Ayon kay P/M/Sgt Jupiter Paguirigan ng PNP-Aparri na lumalabas sa imbestigasyon na bago ang pagpapakamatay ng biktima ay nagsabi ito sa kanyang kapatid kaugnay sa pakikipaghiwalay ng kanyang GF na mula sa bayan ng Abulug.

Nakita rin sa cellphone ng biktima ang palitan nila ng mensahe ng kanyang kasintahan na nakikipaghiwalay sa kanya sa hindi malamang dahilan. .

Nabatid na nakatira ang biktima sa bahay ng kanyang lolo.

-- ADVERTISEMENT --