Labis na dinamdam ng isang 17-anyos na lalaki ang panenermon ng kanyang ina na dahilan ng kanyang pagpapakamatay sa Barangay Natappian West, Solana, Cagayan.

Sinabi ni PCAPT JhunJhun Balisi, hepe ng Solana Police Station, nadiskubre ng kanyang pinsan dakong alas-6:00 ng umaga (December 17) ang nakabigting katawan ng hindi na pinangalanang biktima gamit ang nylon cord sa bahay ng kanyang lolo.

Una rito, nagbanta na magbibigti ang bata bago umalis ng kanilang bahay nang hindi nagpapaalam matapos siyang pagalitan at pangaralan ng kanyang ina dahil sa kinuhang P100 sa kanilang tindahan, kamakalawa.

Hindi naman sineryoso ng pamilya ang banta ng bata sa pag-aakalang nagbibiro lamang ito.

Wala namang nakitang foul play ang pulisya habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon.

-- ADVERTISEMENT --
Bahagi ng pahayag ni PCAPT Jhunjhun Balisi, hepe ng Solana Police Station