TUGUEGARAO CITY – Sumentro sa nalalapit na halalan ang mensahe ngayong Semana Santa ni Archbishop Sergio Utleg ng Archdiocese of Tuguegarao.

Sa mensaheng ibinahagi sa Bombo Radyo, binigyang diin ni Archbishop Utleg ang pahayag ni Pope Francis na ang paglahok sa pulitika ay isang pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa.

Iginiit ng Archbishop na ang mga pulitikong tumatakbo alang-alang sa interes ng kanilang kababayan at hindi para sa kaniyang pansariling kapakanan ay isang tunay na Kristiyano.

Dahil dito, pinayuhan niya ang mga botante na magnilay-nilay ngayong panahon ng kuwaresma para pumili ng mga kandidato na masasabing public servant.

Paalala ng Arsobispo na huwag iluklok sa tungkulin ang mga kandidato na ang layunin lang ay para magpayaman at mapangalagaan ang kaniyang negosyo.

-- ADVERTISEMENT --