
Inihayag ng Meta na tuluyan na nitong ihihinto ang Messenger desktop app simula Abril 2026. Ayon sa kumpanya, hindi na rin magiging accessible ang messenger.com para sa web-based messaging sa mga desktop computer.
Sa halip, awtomatikong ililipat ang mga user sa facebook.com/messages upang maipagpatuloy ang kanilang pakikipag-usap gamit ang computer. Maaari rin namang gamitin ang Messenger mobile app bilang alternatibo.
Samantala, ang mga gumagamit ng Messenger na walang Facebook account ay maaari pa ring magpatuloy sa kanilang pagcha-chat sa pamamagitan ng Messenger mobile app.










