Isinailalim na sa state of calamity ang Metro Manila bunsod ng malawakang pagbaha bunsod ng mga ulan na dala ng bagyong Carina at habagat.

Ginawa ang hakbang matapos ang isinagawang pagpupulong ng Manila Manila Council at pinagtibay ang rekomendasyon ni DILG Secretary Benhur Abalos na isailalim sa state of calamity ang kalakhang Maynila.

Maraming lugar sa Metro Manila ang lubg sa tubig-baha partikular sa Caloocan, Malabon at Navotas.

Una ng inihayag ni Pang. Marcos na pabor siya na isailalim sa state of calamity ang Metro Manila lalo at kita naman ang lawak ng mga pagbaha.

Aniya, nauubos na ang reserved funds ng mga local government units, kaya kailangan na nilang kumuha ng tulong mula sa national government.

-- ADVERTISEMENT --