TUGUEGARAO CITY-Papaigtingin ng Metropolitan Tuguegarao water District (MTWD) ang kanilang collection efforts ngayong buwan ng Marso dahil apektado na ang kanilang revenue collection.
Ayon kay Engr. Miller Tanguilan, head ng MTWD, may mga member consumer na tatlong buwan o mas higit pa ang hindi pa nakakabayad ng kanilang water bill ang kanilang bibigyan ng tiyansa sa pamamagitan ng pakikipag-usap.
Aniya, magtungo o dumulog lamang sa kanilang tanggapan dahil “case to cases basis” ang kanilang gagawin at pag-uusapan kung paano sila makakapagbayad.
Ikinokonsidera naman ng kanilang tanggapan ang pagbabayad ng installment o iyong paunti-unting pagbayad sa konsumo sa tubig para hindi rin maapektuhan ang kanilang serbisyo.
Bagamat naiintindihan ng tanggapan na marami pa rin ang apektado dahil sa covid-19 pandemic ay kailangan din ng mga ito na bawasan ang kanilang water bill.
Ngunit, kung bigo ang isang consumer na makipag-usap sa kanilang tanggapan ay mapipilitan ang kanilang mga tauhan na putulin ang kanilang connection para hindi na lumaki ang kanilang bayarin.
Sa ngayon, sinabi ni Tanguilan na katumbas ng isang buwan na collection ang hindi pa nakakapagbayad ng konsumo sa tubig kung kaya’t nais nila itong mabigyan ng gawan ng agarang aksyon.