Sabay-sabay na sumayaw ang 900 sa tugtog ng mariachi music sa Guadalajara, Mexico para makapagtala ng bagong Guinness world record para sa pinakamalaking folk dance sa mundo.
Sumayaw habang nakasuot pa ng tradisyunal na costume ng Mexico ang 882 kalahok
Layon nilang mahigitan ang dating record na naitala rin sa Guadalajara noong 2011 kung saan 457 katao ang sumayaw.
Sinayaw ng mga kalahok ang isang choreographed routine sa loob ng limang minuto ng hindi tumitigil ,
Agad namang inanunsiyo ang resulta ng world record attempt at sa huli ay kinumpirma ng Guinness na nakapagtala muli ang mga taga-Guadalajara ng bagong world record.
-- ADVERTISEMENT --