Binalaan ng National Bureau of Investigation o NBI na mananagot ang abogado ni dismissed Bamban Mayor Alice Guo kung mapatunayan na nagsisinungaling.

Ito ay may kaugnayan sa kinaroroonan ni Guo.

Ipinatawag si Atty. Elmer Galicia sa Department of Juctice at iginiit nito na nakita niya si Guo na nagpanotaryo pa siya sa kanya noong August 14.

Taliwas ito sa unang sinabi ni Senator Risa Hontiveros na nakalabas na ng bansa si Guo noon pang July 28.

Sinabi naman ng Bureau oof Immigration na naniniwala silang nasa Indonesia si Guo, kung saan nahuli ang kanyang kapatid na Shiela at kanilang kasamahan na si Cassandra Li Ong.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago na hindi niya alam kung totoo ang sinasabi ni Galicia.

Sa normal na proseso kasi ng pagpapanotaryo ng dokumento ay kailangan haharap ang mismong nagpapanotaryo sa abogado at hindi pwede ipapadala na lamang.

Kung mapapatunayan namang nagsisinungaling si Galicia ay sasampahan siya ng kasong perjury at tatanggalan siya ng lisensya.