Nangako si Senador Erwin Tulfo na pangungunahan niya ang pagsusuri ng Republic Act No. 11310 o ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Act ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ipinahayag ito ng senador sa isang pagpupulong kasama si DSWD Secretary Rex Gatchalian at iba pang opisyal ng kagawaran dalawang araw matapos siyang italaga bilang chairman ng Senate Committee on Social Justice, Welfare, and Rural Development.
Isa sa mga isyu na susuriin ni Tulfo ay ang bilang ng mga benepisyaryo ng 4Ps na patuloy na tumatanggap ng cash ayuda mula sa gobyerno kahit gumanda na ang kanilang pamumuhay.