
Hindi muna iga-ground ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang iba pang aircraft ng operator ng bumagsak na Cessna plane sa Iba, Zambales.
Ayon kay CAAP Spokesman Eric Apolonio, kailangan muna nilang madetermina kung ano ang dahilan ng insidente.
Sa sandali aniyang magbigay na ng rekomendasyon ang Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board ay saka lamang maglalabas ng desisyon ang CAAP.
Nabatid na ang operator ng bumagsak na Cessna 172 aircraft na may Tail No. RP-C2211 ay ang SkyAero Trade.
Patuloy naman na nilalapatan ng lunas sa President Ramon Magsaysay Memorial Hospital, Iba, Zambales ang apat na nakaligtas sa insidente.
-- ADVERTISEMENT --
Ito ay kinabibilangan ng isang flight instructor na piloto at tatlon student-pilots.