Inilalatag na ng pamahalaang panlalawigan ng Cagayan ang mga aktibidad para sa mahigit isang buwan na selebrasyon ng Aggao Nac Cagayan na magsisimula sa JUne 1 hanggang July 2.

Sinabi ni Atty. Mabel Villarica-Mamba, ang first lady ng Cagayan at head ng steering committee ng Aggao Nac Cagayan na ang mga aktibidad ay para ipakita ang pagkakaisa at pagtutulungan ng mga Cagayano para sa patuloy na pag-unlad ng lalawigan.

Ayon sa kanya, sa kabila ng mga hamon na kinakaharap ng lalawigan ay nauipatutupad at naisusulong pa rin ang mga programa at mga proyekto para sa pag-unlad ng lalawigan dahil sa pagkakaisa at pagtutulungan.

Bukod dito, sinabi niya na itatampok din sa selebrasyon ang makulay na kultura ng lalawigan at maging ang ipinagmamalaking mga produkto ng bawat bayan.

Kaugnay nito, hindi na kasama sa aktibidad ang Search for Miss Cagayan.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, ang pondo para sa Aggao Nac Cagayan celebration ay P16m.