Handang-handa na ang lalawigan ng Apayao sa nakatakdang pagdiriwang ng ika-28 foundation day na tinawag na Say-am festival sa darating na pebrero 14, 2023
Ito ay matapos ang mga isinagawang consultative meetings ng ibat ibang stakeholders at na-finalized na rin ang mga guidelines at mechanics kasama ang schedule ng mga gaganaping aktibidad.
Napagkasunduan na aarangkada ang mga sports tournaments matapos ang opening program sa gymnasium sa brgy. Poblacion, Luna, Apayao sa pebrero uno na susundan ng ibang mga aktibidad hanggang sa culminating activity sa pebrero tres.
Sa Pebrero onse, gaganapin ang float parade at dito ay ipapakita ang mga tourism products ng lalawigan na susundan ng “panaggaangrad” o traditional games at cultural night.
Magkakaroon din ng ibat ibang kompetisyon gaya ng street dance, cookfest, fellowship lunch at talentadong Apayao.
Isasagawa naman ang pinakahihintay na pagbabalik ng beauty pageant na tinawag na “dayag ti apayao” sa gabi ng pebrero a-trese.
Magkakaroon din ng dog show sa pebrero sais na magsisilbing soft opening ng agro-industrial trade fair at dito ay maitatampok ng mga local exhibitors ang mga ibat ibang produkto na kinabibilangan ng fresh, processed, inland freshwater/aquamarine, planting materials, medicinal plants, cottage industries, forest products, mineral products, antiques, blacksmith products at organic farm inputs.
pipiliin ang mga mananalo dito mula pebrero a-onse hanggang a-trese.