Tinayang aabot sa P400k ang halaga ng mga nabasag na mga alak at softdrinks na nahulog mula sa isang trailer truck sa bayan ng Bayombong, Nueva Vizcaya.
Sinabi ni PMaj. Jolly Villar, information officer ng PNP Nueva Vizcaya, na batay sa imbestigasyon, binabaybay ng truck ang lansangan sa Bayombong nang bigla itong lumiko dahil sa may umagaw umano sa linya ng kalsada na isang kotse.
Dahil dito, nahulog at nabasag ang maraming alak at softdrinks na dadalhin sana sa Gamu, Isabela.
Ayon kay Villar, 600 cases ng alak at softdrinks ang nahulog at nagkalat sa kalsada.
Sinabi niya na agad naman na nilinis ng LGU Bayombong ang kalsada na nagkalat ang maraming basag na bote kaya agad din na bumalik sa normal ang daloy ng trapiko sa lugar.
-- ADVERTISEMENT --