Lumobo pa sa 18,296 indibidwal ang apektado ng sama panahon sa bansa.

Bunsod ito ng mga pag ulang dulot ng hanging Habagat gayundin ng Low Pressure Area.

Batay sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management , katumabas ito ng 5,210 families.

Sa bilang, nasa 270 pamilya o 1,016 na indibidwal ang nanunuluyan ngayon sa 5 evacuation centers.

Nagmula ito sa mga rehiyon ng Central Luzon, Central Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao, SOCCSKSARGEN at BARMM.

-- ADVERTISEMENT --

Nananatili naman sa 3 ang napaulat na nasawi habang may 1 napaulat na nasugatan.