Sinimulan ng ng Schools Division Office (SDO) Cagayan ang in house training ng mga atletang sasabak sa Regional Invitational Sporting Events na gaganapin sa lungsod ng Cauayan sa Abril 24-28 ngayong taon.

Ang Regional Invitational Sporting Events ay kahalintulad ng nakagawiang pagdaraos ng Cagayan Valley Regional Athletics Association ngunit dahil sa pandemya ay binago ang set-up nito alinsunod sa guidlines na inilabas ng IATF.

Ayon kay Edwin Tagal, Sports Coordinator ng SDO Cagayan, kahapon ay nagsimula ng sumailalim sa bubble set up training ang nasa 225 na mga atletang mula sa lalawigan ng Cagayan.

Lahat aniya ng mga atleta ay mula lamang sa mga mag-aaral ng sekondarya na naturukan na ng bakuna ngunit ang mga atleta sa elementarya ay hindi na isinama dahil marami pa ang hindi fully vaccinated.

sinabi niya na mayroon ring mga sports event ang hindi pinayagan tulad ng gymnastics at boxing habang ang arnis, dance sports at iba pang kauri nito ay gagawin sa pamamagitan ng virtual at walang pinapayagang manood.

-- ADVERTISEMENT --

Nagtalaga na rin aniya sila ng mga medical team at iba pang personnel na magbabantay sa mga atletang naka bubble set up ngayon sa Cagayan Sports Complex upang mamonitor ang kanilang galaw at kondisyon sa pagsasanay.

Punto ni Tagal, ginawa ang mga nasabing restrictions upang maingatan ang kalusugan at kondisyon ng bawat deligadong dadalo sa nasabing palaro lalo na at hindi pa tuluyang nawawala ang banta ng COVID-19.

Tatagal naman ng 20 araw ang in-house training ng mga atleta.