Ang Pilipinas ang pinakahuli sa limang Southeast Asian (SEA) nations na nanalo ng gold medal sa Olympics.
Umaasa ang bansa na magiging pangatlo sa nasabing listahan na mananalo ng gold sa Summer Games kasunod ng pagbubukas ng 22-person delegation ng kanilang kampanya sa Paris Olympiad.
Si Carlos Yulo ang magsisimula ng kampanya para sa bansa sa Paris, France mamayang hapon.
Sasabak din ngayong araw si world champion gymnast at rower Joanie Delgado, kung saan si Yulo ang inaasahan na makakakuha ng medalya at posibleng ito ay gold medal.
Makikipagpaligsahan si Yulo sa all-around event kung saan makikipagtagisan siya sa anim na apparatuses: parallel bars, horizontal bar, pommel horse, rings, vault at ang floor exercise.
Sa kabuuan, pitong gold medals ang nakataya sa discipline ni Yulo, subalit mas pinili niya na mag-focus sa parallel bars, vault at floor exercise.
Inaasahan din na makakakuha ng gold medal si EJ Obiena.
Subalit kailangan na lampasan niya si Swedish-American star Mondo Duplantis, ang world No. 1 at machine-like record-holder sa nasabing sport.
Positibo rin ang national boxing team na sina Tokyo Olympic medalists Neshy Petecio at Carlo Paalam, na sila ang nagdala ng bandila ng bansa sa opening ceremonies para sa kanilang pagkamit ng gintong medalya, kasama si Eumir Marcial, bronze medalist sa nakalipas na Summer Games.