Nagbabala ang mga opisyal ng Pilipinas at Australia laban sa romance scammers online ngayong Valentine’s season.
Habang may mga nakakahanap ng pangmatagalang relasyon sa pamamagitan ng internet, may iba naman na walang suwerte at nagiging biktima ng romance scams, kung saan gumagamit ang mga manloloko ng dummy accounts para magkaroon ng pekeng relasyon sa mga biktima sa dating apps o social media para makakuha ng pera.
Kamakailan, inalerto ng Australian Federal Police (AFP) ang nasa 5,000 na kanilang mamamayan na potential victims ng mga scammer na nakabase sa Pilipinas.
Nakipagtulungan ang mga awtoridad sa bansa sa kanilang Australian counterparts nitong 2024 para tukuyin ang mga posibleng maging Australian targets ng pinaghihinalaan na romance scam matapos na salakayin ang Philippine offshore gaming operators (Pogo) sa Parañaque City noong Oktubre.
Payo ni AFP commander of cybercrime operations Graeme Marshall, National Anti-Scam Center, Philippines’ Presidential Anti-Organized Crime Commission at National Bureau of Investigation, na kung may kausap sa internet na nakilala online, magsagawa muna ng pananaliksik at tiyakin na tunay ang mga ito.
Hanapin sila sa Google, magsagawa ng image research sa kanilang profile picture , o sabihin sa kanila na magkita kayo ng personal o sa pamamagitan ng video call, at ang pinakamahalaga, huwag magpadala ng pera sa mga taong nakilala lamang online.