
Nagdagdag ng bagong mga opisyal sa Presidential Communications Office (PCO) si Secretary Jay Ruiz, isang buwan matapos maupo sa ahensya.
Kabilang sa mga bagong opisyal ay sina Erel Cabatbat, na magsisilbing Assistant Secretary for Integrated Presidential Messaging; Ana Puod, Senior Undersecretary for Operations and Strategic Communications; Michael Lim Ubac, Undersecretary for Integrated Presidential Messaging; at Rey Ramirez, Director III for IT.
Nanatili naman ang ilang PCO official na sina Rowena Otida bilang Assistant Secretary for Cultural Affairs and International Engagements; Dale De Vera, Assistant Secretary for Media Accreditation and Relations; Jose Maria Villarama II, Officer in charge (OIC) Undersecretary for Strategic Communications at concurrent Assistant Secretary for television and Radio.
Matatandaang pinagsumite ni Ruiz ng courtesy resignation ang lahat ng mga opisyal sa PCO noong umupo siya sa pwesto noong Marso.
Ayon kay Ruiz, layon nitong mabigyan siya ng kalayaang makapili ng mga opisyal na nais nitong makasama sa pangangasiwa sa PCO.
Naunang inihayag ni Ruiz na may nangyayaring intriga at nakakalabas na impormasyon sa PCO kaya plano nya itong linis.