Kinilala ni Batanes Governor Marilou Cayco ang patuloy na pagpapahalaga ng mga Ivatan sa mga bahay na gawa sa bato, kasabay ng ika-115 Calamudingan Festival sa bayan ng Uyugan, Batanes.
Sa kanyang mensahe, sinabi ng gobernador na pangunahing attraction sa mga turista ang pagkakaroon ng mga stone houses sa naturang bayan.
Itoy pagpapakita aniya ng pagpapahalaga at pag-iingat sa pamanang kultura at tradisyon ng kanilang mga ninuno na hanggang sa ngayon ay isinasabuhay pa.
Partikular na tinukoy ni Cayco ang bahay ni Ginang Percila Kabughaw na mismong si Chinese Ambassador Huang Zilian ang namangha nang minsang bumisita ito sa lugar.