TUGUEGARAO CITY- Pinatutubos umano ng mga residente na nakapagligtas sa mga inanod na mga baka sa kasagsagan ng pagbaha sa Santa Ana, Cagayan ng P1,000 sa bawat nakakuha sa nasabing hayop na buhay pa.
Sinabi ni Arnold Rituria, kapitan ng Brngy. Visitation, Santa Ana na ito umano ang alok ng mga nakakuha ng mga nasabing baka sa mga may-ari bago nila ito makuha.
Nabatid na ang mga nasabing baka ay nagkakahalaga ng P10,000.
Kaugnay nito, sinabi ni Rituria na inanod at namatay sa pananasala ng baha sa kanilang lugar ang ilang anak ng mga baka at mga baboy at maging ang mga alagang manok ng mga residente.
Bukod dito, nasira din ang ilang kagamitan ng mga residente lalo na ang walang second floor ang kanilang mga bahay.
-- ADVERTISEMENT --