Nagkasundo ang mga bansa na dumalo sa dalawang araw na summit sa Switzerland na gumawa ng kasunduan para tuluyan ng wakasan ang nagaganap na giyera sa Ukraine.

Kabilang dito ang Saudi Arabia, South Africa at United Arab Emirates na mayroong mahalagang trading relationships sa Russia bilnag miyembor ng BRICS economic group.

Sinabi ni Ukraine President Volodymyr Zelensky na mahalaga sa mga dumalo ang pagsuporta nila sa territorial integrity ng Ukraine.

Isinabay din ni US Vice President Kamala Harris ang anunsiyo na mayroong $1.5 bilyon na aid package silang ibibigay sa Ukraine para tulungan ang mga Kyiv na ayusin ang mga nasirang imprastruktura.

Magugunitang inilatag ni Russian President Vladimir Putin ang kaniyang mga kondisyon para tuluyang matuldukan na ang kaguluhan sa Ukraine na kinontra naman ng United Nations at European Union.

-- ADVERTISEMENT --