TUGUEGARAO CITY- Inihayag ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Region 2 na maraming libro ng mga barangay para sa pagdedeklara ng drug cleared ang ibinabalik dahil sa kulang na mga dokumento.
Sinabi ni Louella Tomas, information officer ng PDEA Region 2 na hindi maaaring ideklara na durg cleared ang isang barangay kung hindi kumpleto ang hinihingi nilang requirements.
Kaugnay nito, sinabi ni Tomas na sa mahigit 1,300 na mga barangay, 561 ang naideklara nang drug cleared habang mahigit sa 800 pa ang nakatakdang mabigyan din ng nasabing sertipikasyon.
Ayon sa kanya, napakarami ngayong mga libro sa kanilang tanggapan na patuloy nilang pinag-aaralan at kung maayos na ito ay saka sila nagsasagawa ng pagdedeklara na drug cleared ang isang barangay.