TUGUEGARAO CITY- Inihayag ni Romeo Iquin, punong barangay ng Libag Sur, Tuguegarao City na kusa ang kanilang ginawang pagsasapubliko ng kanilang pagkakakilanlan matapos na sila ay magpositibo sa covid-19.

Sinabi ni Iquin na kasama niyang nagpositibo sina kagawad Wilfredo Balubal at Jayson Arago at Brgy. Secretary Adelaida Macatunggal.

Ayon kay Iquin, ginawa nila ang paglalahad ng kanilang pagkakakilanlan upang mapabilis ang contact tracing dahil sa naka-duty pa sila bago lumabas ang resulta ng kanilang swab test.

Sa ngayon, sinabi ni Iquin na naka- quarantine na sila sa kanilang barangay hall.

Kaugnay nito, sinabi ni Iquin na binigyan niya ng authorization ang isa niyang kagawad na gumawa ng kanyang trabaho habang siya ay naka-quarantine upang hindi maabala ang mga transaksion sa kanilang barangay.

-- ADVERTISEMENT --