photo credit to Mr. Cayetano “TJ” Tuddao

Tugeugarao City- Arestado ang isang magsasaka matapos mahulian ng iba’t-ibang uri ng baril at bala sa Brgy. Bauan East, Solana Cagayan.

Ito ay sa bisa ng isilbing search warrant ng laban kay Omar Malana, 52 anyos, magsasaka at residente sa nasabing lugar.

Nahalughog ng mga otoridad mula sa bahay ni Malana ang isang unit ng KARATAY Shotgun at pitong bala nito, isang unit ng magnum 44 revolver kasama na ang 18 bala nito, isang bala ng cal. 45 at isa pang basyo ng bala ng cal.45.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng pulisya si Malana at hawak na ng mga otoridad ang mga nakumpiskang baril at bala kung saan ay mahaharap din siya sa kasong paglabag sa RA 10591 o Illegal Possession of Firearms and Ammunition Law.