Kinumpiska ng mga awtoridad sa Cagayan ang mga baril at mga bala sa bahay sa Barangay Piggatan, Alcala, Cagayan.

Nakita ng mga operatiba mula sa PNP Alcala, 3rd Mobile Force Platoon ng 1st Cagayan Provincial Mobile Force Company, Provincial Intelligence Team Cagayan South, 112 Special Action Company, 11th Special Action Battalion ng PNP–Special Action Force, at ang Provincial Intelligence Unit ang isang piraso ng M1 Garand rifle, 28 na bala nito at 4 rin na piraso ng clip para rito; isang piraso ng improvised .22 caliber firearm at 41 na bala nito; isang piraso ng improvised Boga; apat na bala para sa .38 caliber; tatlong bala para sa M14 rifle; at isang bala para sa Carbine rifle.

Ang paghalughog sa bahay ay sa bisa ng Search Warrant na inilabas ng korte laban kay alyas Aya, 36 anyos, may-asawa, at isang magsasaka.

Isinagawa ang pagdodokumento sa mga nakumpiskang ebidensya sa lugar ng operasyon, sa presensya ng inarestong suspek na sinaksihan ng barangay officials.

Matapos ang operasyon, ang suspek at ang lahat ng nakumpiskang ebidensya ay dinala sa Alcala Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.

-- ADVERTISEMENT --

Inihahanda na ang pagsasampa ng mga kasong paglabag sa RA 10591 laban sa suspek.