Kinumpirma ng kampo ni Charlie “Atong” Ang na isinuko na ang mga baril na nakapangalan sa negosyante at gaming tycoon.

Sa isang pahayag, sinabi ng abogado ni Ang na si Atty. Gabriel Villareal na naiturn-over na ang mga baril sa Mandaluyong Police.

Kabilang sa isinuko ay Colt rifle, Glock 9mm; Sig Sauer 9 mm; Smith & Wesson .38 caliber; at Battle Arms Development (BAD) 9 mm pistol.

Hindi naman kasama rito ang isang rifle na pag-aari ni Ang matapos umanong mawala noon pang Oktubre ng nakaraang taon.

Batay sa ipinadalang kopya ni Villareal, kalakip din nito ang affidavit of loss at blotter report bilang patunay na nawala ang naturang baril.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang Department of Justice kung may inilabas nang panibagong arrest warrant kay Ang.

Pero una nang sinabi ni Villarreal na naghan na sila ng mosyon para ipawalang bisa ang warrant of arrest.