Bumaba man ang mga nahakot na basura sa mga sementeryo kung ikukumpara sa mga nakaraang taon ng paggunita sa Undas ay marami pa rin ito ayon sa Ecowaste Coaltion.

Ayon kay Jove Benosa, zero waste officer and campaigner ng grupo na tone-tonelada pa ring basura ang iniwan ng mga bumisita sa kanilang mga namayapa lalo na sa mga pampublikong sementeryo sa Metro Manila.

Sa kabila ng paulit-ulit na paalala sa maayos na pagtatapon ng basura bago ang Undas, sinabi ni Benosa na karamihan sa nahakot na mga basura ay plastic, lata at styrofoam.

Sa kabila nito, inihayag ni Benosa na may mga sementeryo pa rin naman na sumunod sa kanilang panawagan para maging maayos ang pamamahala sa basura ng mga dumalaw sa puntod ng kanilang mahal sa buhay

Aniya, ipinagbawal ang pagtitinda ng pagkain sa loob ng sementeryo na naging kabawasan sa pagkalat ng basura sa loob ng sementeryo.

-- ADVERTISEMENT --