Umaabot na sa 10 munisipalidad ng Region 2 na kinabibilangan ng 5th at 6th class municipalities ang nabigyan ng iba’t ibang mga agricultural interventions sa pamamagitan ng Special Area for Agricultural Development (SAAD) program ng Department of Agriculture Region 2.

Ayon kay Bernard Malazzab, SAAD Monitoring and Evaluation Unit lead ng DA Region 2, layunin ng nasabing programa na mapabuti ang pamumuhay at pangkabuhayan ng mga magsasaka kung saan sa nasabing 13 munisipalidad ay lima ang nauna noong 2023 at nadagdagan naman ngayong 2024.

Kabilang sa limang bayan na nauna ng nabigyan ay ang Sta.Praxedes sa Cagayan, San Isidro sa Isabela, Sagudan sa Quirino, Villavuerde sa Nueva Vizcaya at bayan ng Basco sa Batanes habang naidagdag naman ngayong taon ang byan ng Uyugan at Ibana, Rizal, Ambaguio at Luna Isabela.

Naibigay na sa limang naunang munisipalidad ang kanilang pangangailangan tulad ng agricultural inputs gaya ng assorted vetagables, corn production at assitance cropping production.

Habang ang ilang bayan naman na kasama na sa expansion ngayong 2024 ay patuloy parin ang kanilang training na may koneksyon sa kanilang mismong proyekto.

-- ADVERTISEMENT --

Ang nasabing training ay kinabibilangan ng social preparation na bahagi ng apat na component ng SAAD kung saan ang tatlo ay tinatawag na livelihood provision, marketing assistance at program management.

Aniya, bago pa man naibigay ang mga intebensyon na kailangan ay kinakailangan munang dumaan ang mga ito sa social preparation na magsisilbing pagsasanay nila.

Bukod dito ay ipinaliwanag pa ni Malazzab na ang kinagandahan ng SAAD ay hindi ibibigay ang proyekto para sa kanila hanggat hindi dumadaan ang mga ito sa nasabing pagsasanay.