Hinimok ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang mga turista na huwag magdala ng sariling sasakyan at mas mabuting sumakay na lang sa bus upang maiwasan ang matinding traffic sa Baguio tuwing Mahal na Araw.
Marami na ring mga bisita ang dumating nang maaga upang maiwasan ang dagsa ng tao, ngunit may ilan na nahirapang maghanap ng parking space.
Binanggit ni Magalong na ayon sa historical data, talagang malubha ang traffic tuwing holiday season.
Wala pang anunsyo ang lungsod kung ibabawal ang number coding scheme kaya mas mabuti nang maglakad o mag-commute.
Tinatayang aabot sa 150,000 na turista ang inaasahang dadayo sa Baguio sa Maundy Thursday at Good Friday.
-- ADVERTISEMENT --