Hinarang ng mga legal representative ng mga biktima ng war on drugs ang hiling ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na makapag-apela sa International Criminal Court (ICC).

Sa kanilang mosyon nitong May 4, iginiit ng mga abogado na walang bagong legal na isyu ang kampo ni Duterte at layon lamang nitong bawiin ang mga argumentong dati nang ibinasura ng Pre-Trial Chamber.

Giit nila, tama ang naging desisyon ng ICC na kumpirmahin ang kasong crimes against humanity laban sa dating Pangulo at walang malinaw na error sa batas na kailangang i-review.

Hindi rin aniya napatunayan ng kampo ni Duterte na ang mga isyung inilalabas ay makakaapekto sa patas na paglilitis o sa magiging resulta ng kaso.