
Tatlong paaralan ang nasira sa Babuyan Claro, ang islang barangay ng isla ng Calayan, Cagayan sa pananalasa ng super typhoon Nando.
Sinabi ni Bernie Nuñez, head teacher ng Babuyan Claro Integrated School, lumipad ang bubong ng elementarya, highschool at senior high school na umaabot sa 30 classrooms habang halos lahat ng bahay ay nasira rin
Dahil dito, nananatili sa tatlong evacuation center ang nasa 200 na katao.
Maging ang kapilya ng Baptist Church ay napinsala kaya napilitan ang ilang evacuees doon nas lumipat sa ligtas na lugar.
Kinumpirma rin ni Nuñez, na isang 42-anyos na brgy tanod ang nasawi matapos na mabagsakan ng naputol na sanga ng kahoy.
Idinagdag pa niya na hindi rin nakaligtas ang mga bangka na nasira dahil sa malalakas na paghampas ng mga alon.