Hindi inaalis ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang posibilidad na maantala o tuluyang huminto ang ilang biyahe ng eroplano sa bansa dahil sa kakulangan ng jet fuel na dulot ng tensyon sa Middle East.

Sinabi ng pangulo, na may ilang bansa na ang hindi kayang mag-supply ng fuel sa mga eroplano ng Pilipinas.

Dahil dito, napipilitan ang mga airline na magdala ng sapat na gasolina para sa buong biyahe, papunta at pabalik.

Babala ng pangulo, mas magiging problema ito sa mga long-haul flights o malalayong biyahe.

Nagsisimula na ring magbawas ng biyahe ang ilang airline dahil sa mahal na fuel sa iba pang bansa sa Asya.

-- ADVERTISEMENT --

Sa Pilipinas, inanunsyo na ng Cebu Pacific na magbabawas ito ng flights simula sa susunod na buwan, bunsod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Gayunman, sinabi ng Department of Energy (DOE) na may sapat na suplay ng fuel ang mga airline sa bansa.