Tuguegarao City- Mahigpit na isinasailalim sa thermal scanning ang mga drivers at pasahero ng mga pribado at pampublikong sasakyan na pumapasok sa Tuguegarao City.
Ito ay sa kabila ng inilatag na checkpoints sa mga entry and exit points sa lungsod.
Sa monitoring ng Bombo Radyo ay mahigpit na sinisiyasat at kinukuhanan ng impormasyon ang mga pumapasok bilang tugon sa layuning maiwasan ang pagpasok ng virus.
Ang mga nagsasagawa ng checkpoints ay nakasuot naman ng face mask at kaukulang mga proteksyon upang maiwasan ang pagkahawa sakali mang may makasalamuhang carrier ng naturang virus.
Patuloy pa ring ipinapaalala ang pagsunod sa mga ipinatutupad na preventive measures upang makaiwas sa COVID-19.
Maalalang naglatag ng mga Checkpoints ang mga otoridad sa Buntun, Namabbalan at Carig upang imonitor ang mga pumapasok at lumalabas sa lungsod ng Tuguerao.