Inihayag ni Atty Elenita Capuyan, election officer na hindi na kasama ang bladed weapons sa mga kukumpiskahin sa mga Commission on Election (Comelec) checkpoints sa pagsisimula ng firearms o gun ban mula January 12 hanggang June 11 ngayong taon.

Ayon kay Capuyan na ito ay nakasaad sa binagong Comelec resolution sa mga tumutukoy sa deadly weapons na dati ay kasama ang mga bladed weapons.

Ito ay batay sa naging desisyon ng Korte Suprema sa ilang kaso na may kaugnayan sa pagkumpiska sa mga bladed weapons sa nakalipas na halalan.

Kaugnay nito, nagpaalala si Capuyan sa mga gun owners na bawal ang magdala o magbiyahe ng mga armas sa labas ng bahay kahit may lisensiya ang mga ito sa panahon ng election gun ban.

Bukod dito, sinabi ni Capuyan na may itatalaga din na Comelec checkpoints na ang magbabantay ang Philippine National Police.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, sinabi ni Capuyan na sa mga susunod na araw ay may ilalabas na ang Comelec ng “Kontra bigay” resolution, o ito ang pagbabawal ng pagbibigay ng mga ayuda o iba pang bagay na may halaga 45 araw bago ang halalan.

Ayon kay Capuyan, napakadelikado ang pamamahagi ng mga ayuda kung walang nakuhang exemption mula sa Comelec.