Naloko ang mga bombero sa Parola, Manila matapos na sila ay rumesponde sa ulat na may nasusunog na truck, subalit ang larawan na ipinadala sa kanila ay AI-generated pala.
Dumating ang apat na fire trucks, kabilang ang mula sa Bureau of Fire Protection kaninang umaga sa lugar ng sinasabing sunog.
Subalit ang nadatnan ng mga bombero ay hindi naman nasusunog na truck.
Ayon sa isang volunteer, parang totoo ang ipinadala sa kanila na larawan ng nasusunod na truck kaya agad silang rumesponde.
Dahil dito, nagbabala siya na sobrang napakadelikado ang pagpapadala ng mga mga pekeng insidente ng mga sunog.
Binigyang-diin niya na dapat na mapanagot ang nagpadala ng nasabing larawan, dahil hindi biro ang kanilang ginawa.
Sa ilalim ng Revised Fire Code of the Philippines of 2008, ang mga nagpapakalat ng mga maling impormasyon tungkol sa mga sunog ay posibleng magmumulta ng P50,000.
Maaari din silang maharap sa kasong unjust vexation sa ilalim ng Revised Penal Code.