Hindi umano dapat sisihin ang mga botante sa kanilang mga inihalal na sa tingin ng iba ay hindi karapat-dapat sa pwesto.

Reaksion ito ni Conrado Heneroso,tumakbo at batalong kandidato sa pagkasenador at dating spokesman ng constitutional committee sa mga puna ng ilan na pinili ng ilang mga botante ang mga karapatdapat sa pweso lalo na sa pagkasenador.

Sinabi ni Heneroso na bahagi na ang mga botante ay bahagi ng sistema ng halalan sa bansa na ibinabatay ang kanilang pagboto sa kasikatan at sa pera ang isang kandidato.

Dahil dito, sinabi niya na ang dapat na gawin ay baguhin ang hindi magandang sistema ng halalan sa bansa.

tinig ni Generoso

-- ADVERTISEMENT --

Kasabay nito, sinabi ni Heneroso na dapat na paigtingin at palakasin pa ang voter education upang maipaalam sa lahat ang mga tamang panuntunan sa pagpili ng mga karapatdapat na mga kandidato.

muli si Generoso

Samantala, sinabi ni Heneroso na marami siyang naging magandang karanasan sa panahon ng pangangampanya.

Ayon sa kanya, marami siyang natutunan at nakita ang ilang sitwasyon ng mga mamamayan sa ating bansa.

Nagkaroon din siya ng pagkakataon na ipakilala at ipaliwanag ang isinusulong na pederalismo at mga pagbabago sa ating bansa.

si Generoso