TUGUEGARAO CITY-Pinayuhan ng Commission on Elections-Cagayan ang mga botante na ngayon pa lang ay dapat na alamin na ang kung saang presinto sila boboto sa Lunes.

Sinabi ni Atty Manuel Castillo,election supervisor ng Comelec-Cagayan na ito ay upang hindi masayang ang oras sa paghahanap pa ng presinto kung saan boboto.

Ayon sa kanya, asahan na ang mahabang pila sa mismong araw ng halalan.

-- ADVERTISEMENT --

Kasabay nito,ipinaalala ni Castillo na tiyakin na tama ang gagawing pagtatabing sa mga balota,huwag magsulat ng kahit na ano sa balota,tiyakin na walang overvote bagamat pwede ang mag-undervote.

tinig ni Atty.Castillo