TUGUEGARAO CITY-Bantay sarado ngayon ang quarantine facility sa lungsod ng Tuguegarao kasabay nang pagdating ng mga residente na kasama sa mga napauwi sa ‘Balik Probinsiya” program ng gobyerno.

Ayon kay Dr. James Guzman, city health officer ng Local government unit(LGU)-Tuguegarao, nasa 31 katao na ang napauwi sa lungsod na nasa quarantine facility partikular sa Tuguegarao Science High school.

Aniya, nakatutok ang kapulisan sa lugar para matiyak na hindi lalabas ang mga residente at maiwasan ang pagkalat ng virus kung sakali man na sila’y carrier ng virus.

Sinabi ni Guzman na huwag mabahala ang pamilya ng mga nasa quarantine facility dahil sapat ang pagkain na kanilang ibinibigay at tiniyak nito na sila’y komportable dahil naka- air condition at may wifi pa sa lugar.

Tinatangggap naman ng kanilang tanggapan ang mga nagnanais na magbigay ng pagkain sa kanilang pamilya na kasalukuyang naka-quarantine.

-- ADVERTISEMENT --

Ngunit, nilinaw ni Guzman na kung galing sa lugar na mababa o walang naitalang kaso ng covid-19 ang isang indibidwal na uuwi o umuwi sa lungsod ay hindi na kailangang sumailalim sa quarantine facility sa halip ay home quarantine nalang.

Tinig ni Dr. James Guzman