TUGUEGARAO CITY-Iilan lamang ang bumiyahe patungo sa lungsod ng Tuguegarao nitong Nobyembre 1 hanggang 2 kasabay nang paggunita ng araw ng mga patay.

Ayon kay Dexter Bruzo, driver ng van na may byaheng Tabuk City-Tuguegarao, vice versa, pito lamang ang kanyang naging pasahero ngayong araw, Nobyembre 2, 2019.

Ngunit, sakabila nito, sinabi ni Bruzo na bukas, Nobyembre 3, 2019 ay inaasahan na ang pagdagsa ng mga pasahero na muling babalik sa lungsod.

Kaugnay nito sinabi ni Bruzo na nag-iingat pa rin siya sa magmamaneho dahil madulas ang daan na dulot ng nararanasang pag-uulan para makaiwas sa aksidente.