Inilunsad na rin sa Tuguegarao City ang community pantry, kung saan maaaring kumuha ng pagkain at iba pang produkto ang mga nangangailangan.

Ito ay sa pangunguna ng mga volunteers at Sangguniang Kabataan sa lungsod na anila’y inspired ng community pantry sa Maginhawa, Quezon City.

Ang mga itinatag na community pantry sa lungsod ay matatagpuan sa Brgy. Caggay, Annafunan East, Balzain East, Centro 3, Caritan Centro at marami pang iba.

Ang naturang hakbang ay libreng makakakuha ang mga residente ng kanilang pangunahing pangangailangan tulad ng bigas, gulay, canned goods at marami pang iba at bukas din ito para sa mga kahalintulad na donasyon.

Nagpaalala naman ang mga nangangasiwa ng pantry sa mga tao na kumuha lamang ng sapat na pagkain at bigyan ng pagkakataon ang ibang nangangailangan na makakuha at sumunod sa umiiral na health protocols.

-- ADVERTISEMENT --

Unang naiulat ang community pantry sa may Maginhawa Street sa Quezon City, kung saan nag-iiwan ang mga tao ng pagkaing maaaring kuhanin nang libre ng mga nangangailangan.